Thursday, March 5, 2009

ilang mga saloobin tungkol sa mass media (tv at radyo): ang 'di na natapos na issue ng itlog at manok

interviewer: bakit niyo ipinapalabas ang mga inilalabas niyo?
media: yun ang mabenta sa masa eh.

***

naalala ko ang tungkol d'yan nung debate nung isang araw. napulot ko yan sa prof ko sa BC100.
pulis-krimen na balita.
showbiz sa balita.
tsismis dun, tsismis dito.

iniisip ko kung ito ba talaga ang gusto ng masa. ano? nauumay na sila sa limpak-limpak na mga problemang isinusubo sa kanila araw-araw kaya mas gusto nila yung mga 'exciting' na balita? hopiamanipopcorn! tumaas na naman po ang presyo ng bilihin! at ngayon, dingdong at marian, break na?! naging sila ba?!

***

interviewer: bakit po 'yan ang mga pinapanood at pinapakinggan niyo?
masa: eh yan lang ang meron eh.

***

sa BC100 ko rin 'yan nadampot.

media nga kaya ang may kasalanan? oo, nagiging profit-oriented na ang media pero hindi ba, kung profit-oriented sila, ang mga ipapalabas/i-e-ere nila, siyempre, ay yung mga programa na papatok sa tao, sa masa. pumapatok naman. hindi rin naman kasi natin masasabing kaya pumapatok kasi nga, yun lang ang meron. may iba namang pwedeng panoorin o pakinggan pero anong nangyayari sa mga programang 'naiiba'? ang iba...o karamihan sa kanila ay nagbabago, para bumenta sila sa masa. nakikisabay sila sa uso para hindi sila mapag-iwanan.

***

tungkol sa 'masyadong malayang mass media', meron akong ilang mga bagay na naisip.

nakakulong ang mass media. yung kalayaang nakikita natin, yung masyadong malaya na sinasabi natin ay isang epekto lang ng pagkakulong nila.

(tunog pa-deep ba?)

hindi. kasi naisip ko na dahil nagiging profit-oriented sila, yung mga ipinapalabas nila ay nagiging limitado na lang sa isang standard na "kung ano ang papatok sa masa".

sa tingin ko naman kasi, kahit papaano naman, meron pa ring mga taong gustong maihayag ang mga bagay na kailangang malaman ng masa kaya nga lang napipigilan siya ng standard nga na 'yon at ng iba pang institusyon.

...

yung pagiging profit-oriented naman nila, hindi ko alam kung saan nagsimula. maaaring maipaliwanag ito ng pahirap lang talaga nang pahirap na sitwasyon ng mundo na nagdudulot ng pahigpit nang pahigpit na labanan kaya kailangang maging palaban.

o sadyang nagiging mukang pera lang talaga ang tao sa paglipas ng panahon.















































































(naku, sana naman hindi yung pangalawa, degrading!)

***

interviewer: ano sa tingin mo, sino ang may pasimuno ng lahat?
kiarra: it's a chicken and egg situation i guess. teka, have you heard about the ding-dong marian break-up?

(394 words only)

No comments:

Post a Comment